Saturday, April 12, 2014

Happy Birthday tototjing :D

Ang bilis ng panahon parang kailan lang  binyag mo lang yun ginawan ko ng design para sa tarpaulin at invitation mo.

Wayne Brix invitation for his BINYAG!
                                               
Wayne Brixx souvenir design
                                                         
Tarpaulin design for his BINYAG :D
                                                      

 ngyaon first birthday mo naman ang gagawin ko. Naeexcite ako kasi ako pa diin ang pinagkatiwalaan ng mama mo para gawin yun design dahil alam ko bukod sa libre dahil sa inaanak kita at dahil na din sa tiwala ng mama mo kaya masaya ako na ako pa din ang sinabihan nya na gumawa ng mga design. I hope na lumaki ka ng sobrang bait at God fearing.

Happy birthday ulit sayo inaanak :D

Wayne Brixx Tarpaulin for his 1st Birthday  
                                             
          

                                          






Tuesday, March 11, 2014

Butterfly, dont fly away PART 2


I asked for wisdom and God gave me problems to solve.




Ang pinakamahirap na gawain pag istudyante ka ay magkabisado ng sandumukal... syempre isa yun sa mga gawain talaga pag nag-aaral ka lalo na pag may exam or quiz na binigay ang Prof. niyo. Katulad ng Prof. ko na napaka-very good pag magbibigay ng quiz....sa highschool pag nag bigay ng topic para sa quiz mga isa hanggang dalawang topic lang pang isang chapter lang ang coverage pero sa college... Hala ka!!! Bigti na friend kapag 2gb lang ang kaya ng memory mo! Dahil pag.ganun sigurado mag-seseizure ka.

Prof: okay class meron tayong quiz for tomorrow maikli lang naman
Student: Ma'am what topic po?
Prof: chapter 3 lang........
(after 10 sec...........).
Prof: chapter 3 lang 4,6,7,9 at 10 LANG!.
Me: *pabulong ang very good ni ma'am noh? LANG? lang talaga.. ang konti ah.. sana buong libro na.
Prof: okay class dismiss na..
Me: *simangot *inhale *exhale *penge nga ng RAMBO na tsinelas susunugin ko lang at magpapakasabog ako.

Obviously mahilig lang talaga ako makinig pero magkabisa ng di makatarungan dahil sa sobrang haba....ASA! tatawid na lang ako ng lubid o kaya kakain na lang ng buhay na manok or kahit bubog ngunguyain ko wag mo lang ako pagkabisaduhin ng mahaba!!! ganyan ako katamad dati MAGKABISADO... DATI ah!! dati lang naman nung mga 1st year college pa ako. Ewan ko ba nung high school hindi naman ako ganyan siguro hindi lang talaga ako na push sa limitasyon ko nung high school kaya nung college medyo nagulantang ang utak ko sa sobrang dami ng kakabisaduhin sa iba't ibang subject kaya nawalan ako ng GANA ng INTERES.. SUMUKO na lang bigla ang utak ko NAG-SYNTAX ERROR na kaya PAG.AYAW ang naging solusyon ko. Kaya pag,ganyang nagbigay na yung Prof. ko ng sandamukal na chapter para kabisaduhin pinalalakas ko na lang yung loob ko (pero di ko pa binubuklat yung libro ah) yung tipong kakausapin ko yung sarili ko  na "soooooowssss maning mani.. chicken na chicken" pero nung binuklat ko na napa "What The Fox say"  ako ang haba!! oh my goodness!! saang kamay ng diyos ako kukuwa ng 32gb na memory para isiksik ko lahat ng dapat kakabisaduhin??. Napatulala ako, nag-iisiip, napapanganga at napatunganga. Kung ano-ano na ang sumasagi sa isip ko na solusyon o mga pamahiin para makabisado ang lahat.

Unang pamahiin: ilagay daw ang libro sa ilalim ng unan at higaan ito dahil habang natutulog ka yung laman ng libro yun daw ang mapapanaginipan mo at mareretain ito sa memory mo. ( baka bangungutin naman ako sa sobrang daming laman ng libro)

Pangalawang paninwala: duraan daw ang libro para mas.madali mo daw makabisado yung mga nilalaman nito. ( parang sa mga dogs duraan mo daw yun bibig nila para magiing maamo?!! totoo ba ito?)


Pangatlong pamahiin: Iapply ang Law of Attraction isipin mong nakapasa ka na at yun daw ang magiging kakalabasan ng thoughts na iniimagine mo. ( mahirap ata imaginine yun lalo na kung di ka namn talaga nag.review)

Napahinto ako saglit at narealize kong IMPOSIBLE lahat ng pamahiin at solusyon na naiisip ko na wala man lang ginagawa.. tumingin ako sa bintana...yumuko and i pray silently. Again I open my book and start reading it. Walang madaling paraan para makabisado ko ang lahat ng hindi gumagawa ng effort. Oo aminado ako halos hindi ko kinaya pero nung nagdasal na ako.....God enlightened my mind and i figured out the real meaning of Wisdom.

"WISDOM, is the application of an individual coming from GOD; HE makes you strong; HE supplies your need; HE cares for you and HE gives the knowledge required to understand every situation while enjoying every single thing around you, HE even said on Earth and underneath. Moreover, HE loves you and only asked that we should bring back all glory, praises and thanksgiving unto HIS presence"..

God is good all the time  <3



Monday, March 10, 2014

Butterfly, dont fly away PART 1

So i saw this video when i accompanied my mom  in a seminar and i wondered why the title is Butterfly dont fly away... so syempre ako medyo na curious na din and i thought it was Miley Cyrus song?!!  so i watch it.

I asked for strength and God gave me difficulties to make me strong.
I asked for wisdom and God gave me problems to solve.
I asked for prosperity and God gave me brawn and brains to work.
I asked for courage and God gave me dangers to overcome.
I asked for patience and God placed me in situations where I was forced to wait.
I asked for love and God gave me troubled people to help.
I asked for favors and God gave me opportunities.
I asked for everything so I could enjoy life.
Instead, He gave me life so I could enjoy everything.
I received nothing I wanted, I received everything I needed.


 it's all about our FAITH, HOPE and GOD <3.

I asked for strength and God gave me difficulties to make me strong.

i realized something??!!  oo nga naman kung hihingi ka ng lakas ng loob sa itaas bibigyan ka niya ng problemang mabibigat yung tipong hihiga  ka na lang sa kama at sasabihin mong hands-down na ko Lord di ko na kaya pero sabi nga ng nakakarami di ka bibigyan ng problema ng maykapal na di mo kakayanin  just asked his help humingi ka ng lakas ng loob at pag nakaya mo.. tenen!!! you're a totally change person kasi wala ng malaki at maliit sa iyong problema dahil alam mong pag humingi ka ng lakas ng loob sa kanya alam mong maspowerful si God kesa sa problema. You just need to pray hard coz it works believe me..

Just like me Graduate na ako ng Nursing pero back then madami kaming naging problema nung nagaaral pa ako 2 kaming nagaaral na College same course pa, same year, same school, at higit sa lahat same section kami ng kuya ko ( ano ka!! kamahal pa naman ng course namin) anyway ayon nga mga problema tulad ng pera, ng pera, ng pera, ng pera... yes... isa pa ulit "NG PERA".. i know 95% of our problem can be solve by money... let's be honest guy's yan ang solusyon na laging sumasagi sa mga taong gipit just like me noong College days ko.... yan ang laging sumasagi sa isip ko ( pero syempre ngayon di na) as in gipit lalo na nung 4th year days ko kasi hindi ako lagi nakakapag.bayad ng nasa oras lalo na pag malapit na ang exam nakakapag-bayad lang ako kapag araw na mismo ng exam namin. Hindi madaling magbayad ng permit sa araw ng exam nyo lalo na kapag mahaba ang pila sa cashier dahil  dun lang din magbabayad ang mga istudyanteng gipit (di ako nag-iisa) oh Goodness!! laslas na friend!? di ko alam kung ano ang uunahin ko permit ba o magpapaalam muna ako sa Prof. ko "Sir nakapila ako sa baba ah di ako absent hindi din ako late wala lang talaga akong permit" kasi pag di ako nag-paalam iaabsent naman niya ako o kaya late naman ang bagsak ko kaso pag uunahin ko yun baka pagkatapos ko magpaalam  mahaba na ng sobra yung pila baka mas M-A-H-A-B-A pa sa pinagsamang smalls instestines at larges instestines yes!! (mayaman ako sa "S" bakit ba?) so i need to choose pila, paalam, pila, paalam, pila o paalam!!!!!!!! whaaaaa!!! penge na lang ng lubid magbibigti na lang ako! and ang kinabaksakan ko .................pila ang inuna ko so inshort special exam na naman ako. Sa totoo lang mahirap na ang special exam lalo na pag sabay-sabay na magkakaibang subject ang itatake mo sa isang bagsakan....nakakaloko... napakahirap!!! pero nakaya ko naman nakapasa at nakagraduate ako. I just need to hold my faith. Siguro nga masosolve ng pera halos lahat ng problema ko pero nung nakagraduate na ako sabi ko sa sarili ko "hindi lahat tungkol sa pera". Hindi kayang bilhin ng pera yung sayang naramdaman ko ng malaman kong gragraduate na ako, hindi kayang pantayan ng pera ang paghihirap na ginawa ng magulang ko makapag tapos lang ako at higit sa lahat hindi kayang higitan ng pera ang paniniwala ko sa itaas at hindi rin lalong kaya ng pera na bigyan ako ng lakas ng loob sa panahon nahihirapan na ako. Hindi nasusukat ang katatagan ng loob ng isang tao sa pag.lagpas ng isang problema ang totoong taong matatag  kahit sandamukal ang problemang hinaharap hindi nila nakakalimutang pasalamatan si God sa mga blessings at lakas ng loob na binigay ng taas.  Only God can give us this kind of strength and love ...<3