Tuesday, March 11, 2014

Butterfly, dont fly away PART 2


I asked for wisdom and God gave me problems to solve.




Ang pinakamahirap na gawain pag istudyante ka ay magkabisado ng sandumukal... syempre isa yun sa mga gawain talaga pag nag-aaral ka lalo na pag may exam or quiz na binigay ang Prof. niyo. Katulad ng Prof. ko na napaka-very good pag magbibigay ng quiz....sa highschool pag nag bigay ng topic para sa quiz mga isa hanggang dalawang topic lang pang isang chapter lang ang coverage pero sa college... Hala ka!!! Bigti na friend kapag 2gb lang ang kaya ng memory mo! Dahil pag.ganun sigurado mag-seseizure ka.

Prof: okay class meron tayong quiz for tomorrow maikli lang naman
Student: Ma'am what topic po?
Prof: chapter 3 lang........
(after 10 sec...........).
Prof: chapter 3 lang 4,6,7,9 at 10 LANG!.
Me: *pabulong ang very good ni ma'am noh? LANG? lang talaga.. ang konti ah.. sana buong libro na.
Prof: okay class dismiss na..
Me: *simangot *inhale *exhale *penge nga ng RAMBO na tsinelas susunugin ko lang at magpapakasabog ako.

Obviously mahilig lang talaga ako makinig pero magkabisa ng di makatarungan dahil sa sobrang haba....ASA! tatawid na lang ako ng lubid o kaya kakain na lang ng buhay na manok or kahit bubog ngunguyain ko wag mo lang ako pagkabisaduhin ng mahaba!!! ganyan ako katamad dati MAGKABISADO... DATI ah!! dati lang naman nung mga 1st year college pa ako. Ewan ko ba nung high school hindi naman ako ganyan siguro hindi lang talaga ako na push sa limitasyon ko nung high school kaya nung college medyo nagulantang ang utak ko sa sobrang dami ng kakabisaduhin sa iba't ibang subject kaya nawalan ako ng GANA ng INTERES.. SUMUKO na lang bigla ang utak ko NAG-SYNTAX ERROR na kaya PAG.AYAW ang naging solusyon ko. Kaya pag,ganyang nagbigay na yung Prof. ko ng sandamukal na chapter para kabisaduhin pinalalakas ko na lang yung loob ko (pero di ko pa binubuklat yung libro ah) yung tipong kakausapin ko yung sarili ko  na "soooooowssss maning mani.. chicken na chicken" pero nung binuklat ko na napa "What The Fox say"  ako ang haba!! oh my goodness!! saang kamay ng diyos ako kukuwa ng 32gb na memory para isiksik ko lahat ng dapat kakabisaduhin??. Napatulala ako, nag-iisiip, napapanganga at napatunganga. Kung ano-ano na ang sumasagi sa isip ko na solusyon o mga pamahiin para makabisado ang lahat.

Unang pamahiin: ilagay daw ang libro sa ilalim ng unan at higaan ito dahil habang natutulog ka yung laman ng libro yun daw ang mapapanaginipan mo at mareretain ito sa memory mo. ( baka bangungutin naman ako sa sobrang daming laman ng libro)

Pangalawang paninwala: duraan daw ang libro para mas.madali mo daw makabisado yung mga nilalaman nito. ( parang sa mga dogs duraan mo daw yun bibig nila para magiing maamo?!! totoo ba ito?)


Pangatlong pamahiin: Iapply ang Law of Attraction isipin mong nakapasa ka na at yun daw ang magiging kakalabasan ng thoughts na iniimagine mo. ( mahirap ata imaginine yun lalo na kung di ka namn talaga nag.review)

Napahinto ako saglit at narealize kong IMPOSIBLE lahat ng pamahiin at solusyon na naiisip ko na wala man lang ginagawa.. tumingin ako sa bintana...yumuko and i pray silently. Again I open my book and start reading it. Walang madaling paraan para makabisado ko ang lahat ng hindi gumagawa ng effort. Oo aminado ako halos hindi ko kinaya pero nung nagdasal na ako.....God enlightened my mind and i figured out the real meaning of Wisdom.

"WISDOM, is the application of an individual coming from GOD; HE makes you strong; HE supplies your need; HE cares for you and HE gives the knowledge required to understand every situation while enjoying every single thing around you, HE even said on Earth and underneath. Moreover, HE loves you and only asked that we should bring back all glory, praises and thanksgiving unto HIS presence"..

God is good all the time  <3



No comments:

Post a Comment